JOEM BASCON, NATANGGAP ANG PINAKAMALAKING BIYAYA SA GITNA NG PANDEMYA

“Sobrang happy ko, sobrang saya ko.”

Ganito inilarawan ng Kapamilya actor na si Joem Bascon ang kanyang nararamdaman mula nang siya ay maging ama sa anak nila ng kasintahang si Meryll Soriano.

Meryll Soriano, Joem Bascon get cozy on Valentine's Day – Manila Bulletin
Photo source: Manila Bulletin

Ayon sa aktor, iba raw talaga ang naging impact sa kanyang buhay nang siya ay mabiyayaan ng anak. Nakatutuwa pa raw dahil sa gitna ng pandemya, natanggap niya ang pinakamalaking blessing sa kanyang buhay.

Kung hindi raw dahil sa kanyang anak, baka sobrang naapektuhan sila ng pandemya. Mabuti na lamang ay dumating ito dahil kahit papaano ay nakahanap sila ng bagay na mapagtutunan ng pansin.

Pahayag niya, “Hindi ko ma-explain kung…basta hindi ko siya ma-put into words.

“Sobrang saya ko, and hindi ko naramdaman siguro yung pandemic because nasa bahay lang ako and naka-focus lang kami ni Meryll sa baby namin.”

Bagamat hindi maganda ang nangyayari ngayon sa bansa, kahit paano ay naiibsan daw ang epekto nito ng kanilang baby. Sa gitna ng kaguluhan, kahit paano ay mayroon pa ring nangyaring maganda sa kanilang pamilya.

Ang blessing daw na ito ang isa sa mga nakakapagpatibay ng kanilang pamilya.

Meryll Soriano shows new baby as she rekindles romance with Joem Bascon –  Manila Bulletin
Photo source: Manila Bulletin

Ani Joem Bascon, “I’m just happy na nagkaroon kami ng blessing nung nangyayari yung kaguluhan sa buong mundo and, I guess, yun ang sagot namin to be strong, to be loving sa bahay namin.”

“Naibigay namin yung lahat ng pangangailangan sa anak namin. Sobrang naka-focus kami,” dugtong pa niya.

Sa ngayon ay wala na raw siyang ibang mahihiling pa dahil sapat na ang biyayang ipinagkaloob sa kanila ng Diyos. Sobrang laking pagbabago daw sa disposiyon nila sa buhay mula nang dumating ang kanilang anak.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!