JOHNNY MANAHAN, EXCITED NA SA BAGONG JOURNEY NIYA SA GMA

Excited na raw ang star builder at direktor na si Johnny Manahan o mas Kilala bilang Mr. M sa bagong karerang tatahakin niya sa GMA network.

Para sa mga hindi nakakaalam, si Mr. M ay ang founder at dating chairman ng Star Magic sa ABS-CBN kung saan halos 4 na dekada siyang nanilbihan.

It's official: Johnny Manahan signs with GMA Artist Center | GMA  Entertainment
Photo Source: GMA Network

Bagamat malaking bagay ang iniwan niya sa nasabing network, handa na raw siya ngayon na sa GMA naman tumulong. Ang unang hakbang raw na kanyang ginagawa ay ang kilalanin ang mga bago niyang katrabaho.

Pagbabahagi niya, “We’re just making new friends, seeing how people work, getting to know the roster of the artists in the Artist Center, and see what we can be of help as far as decision-making, image making, marketing, training…”

Sa pagpasok niya rito ay mas naka-focus raw siya sa  pagdiskubre ng new breed of GMA stars kaysa prime stars ng Kapuso network. handang handa na raw siyang palabasin ang kinang ng mga talents na ito.

“For the younger stars, there’s a lot of leeway there to create their persona, which is authentic pa rin,” ani Johnny Manahan.

Samantalang natanong rin siya kung mayroon ba siyang alaga sa dating network na susunod sa kanya sa GMA.

Mr. M Is Officially a Consultant For the GMA Artist Center - Ecopinoy
Photo Source: Ecopinoy

Sagot niya, “Hindi ko masasagot ngayon. Alam naman nila kung anong gusto nila gawin. But we’ll never know.”

Pinayuhan niya raw ang mga ito na tapusin muna ang kontrata bago magdesisyon sa susunod nilang hakbang. Lagi lang daw niyang sinasabi na kung saan sila naaapreciate, dun sila.

“Abangan niyo na lang,” makahulugan niyang saad.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!