JULIA MONTES, NAGBIGAY NG OPINYON SA ‘SECRET RELATIONSHIP’

 “Actually, hindi ko kasi siya sasabihing secret.”

Ganito inilarawan ng aktres na si Julia Montes ang kanyang tahimik ngunit usap-usapang buhay pag-ibig.

Coco Martin Not Allowed To Admit Baby w/ Julia Montes Due To Contract?
Photo Source: Philnews

Sa kauna-unahang pagkakataon nga ay nagpahiwatig ang aktres na masaya siya sa kanyang relasyon at bahagya rin nitong inamin na nasa showbiz ang kanyang kasintahan.

Matatandaan na iwas si Julia na pag-usapan ang bagay na ito kaya naman mas lalong naiintriga ang publiko. Ayon sa espekulasyon, ang aktor daw na si Coco Martin ang nobyo ng aktres at mayroon na raw silang anak. Hindi ito kinumpirma ng dalawa ngunit hindi rin itinatanggi.

Mas gusto lang daw ng aktres na maging pribado ang parte ng buhay niyang ito dahil masyado nang magulo ang industriyang kanilang ginagalawan. Paraan niya lamang ito ng pagprotekta sa kung ano man ang mayroon siya sa aspetong ito ng kanyang buhay.

Aniya, “We just chose this path kasi we both believe na, ‘Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong ‘to na magulo. Wag na nating paguluhin pati yung atin.'”

Nagkasundo raw sila ng kanyang karelasyon sa set-up na ito para na rin malayo sila sa intriga at hindi masira ang kanilang pagsasama.

Coco Martin Not Allowed To Admit Baby w/ Julia Montes Due To Contract?
Photo Source: Philnews

“Personal choice namin yun. And for us kasi talaga, naniniwala kami pag ano kasing nandiyan, sisirain.

“Pag hindi kayo, pag magka-love team kayo, gustong maging kayo. Pag kayo, pagsisirain kayo.

“So, might as well, ‘O, anong alam niyo? Okay, kung anong alam niyo, okay po.’ Yun na lang,” paliwanag pa ni Julia Montes.

Kapag walang alam ang publiko, hindi sila maaaring makapagbigay ng opinyon tungkol sa bagay na ito.

Hindi pinangalanan ng aktres kung sino ang kanyang tinutukoy ngunit kamakailan lamang ay sunod-sunod ang sightings sa kanilang dalawa ni Coco na magkasama.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!