KAPE AT KABAONG, ISANG KAKAIBANG COFFEE SHOP NA PATOK SA BACOLOD!

Ang makakita ng ataul ay madalas na magpapasindak sa mga tao dahil sinisimbolo nito ang kamatayan.

Gayunpaman, ang paghigop ng kape habang nakaupo sa kabaong ay isang kakaibang karanasan para sa mga kostumer ng isang coffee shop.

Dahil may funeral parlor na ang pamilya sa loob ng walong taon, naisip ni Brylle Sy na gumamit ng theme na may kaugnayan sa kanilang funeral business ang itinayo nilang coffee shop. Pinangalanan nila ang kanilang store na “Coffin Break.”

Ang coffee shop ay matatagpuan sa likod ng funeral parlor at malapit sa ospital sa Barangay 9 ng Bacolod. Binuksan ito noong Abril ng kasalukuyang taon.

SOURCE: ABS-CBN

Nilinaw naman ni Sy na hindi nila intensyong manakot ng tao. Ang nais nila ay turuan at alisin ang takot ng publiko sa mga kabaong. Para kay Sy, ang ataul ay hindi simbolo ng kalungkutan kundi nasa pananawa lang ito.

“In the modern setting, just like what I tried, coffins can also be used for multi-purposes not just for the dead, but also as a colorful fixture and furniture in a coffee shop,” ang paliwanag ni Sy.

Kaya naman, masaya si Sy dahil marami ang naging interesado sa kakaibang coffee shop nila.

Bukod sa kape, nag-aalok din ang “Coffin Break” ng pagkain at alak alinsunod sa mga patakaran ng community quarantine status ng kanilang lugar.

Sa una, isang ordinaryong café lamang ang coffee shop pero habang tumatagal, naging mas malikhain si Sy at nagdesisyong magkaroon ng glass coffins sa shop.

Tiniyak naman ni Sy na ang mga kabaong na naka-display sa shop ay bago at gawa ng kanilang mga trabahador sa funeral parlor. Nagkakahalaga ito ng P100,000 bawat isa para sa kumpletong package.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!