KRIS BERNAL, NAGING BIKTIMA NG 23 PEKENG GRAB FOOD DELIVERIES!

Naging biktima ang aktres ni Kris Bernal ng 23 pekeng Grab food deliveries noong gabi ng Sabado (July 3).

Sa kanyang Instagram account, idinetalye ni Kris ang kanyang naging karanasan. Sa isang post, ibinahagi niya ang isang 5-minute video na ipinapakita ang ilang riders na dumarating sa kanilang tahanan. Lahat ay mga order na ginawa ng taong nangangalang Jen Jen Manalo.

Sa nasabing post, maririnig din ang usapan sa phone sa pagitan ng isa sa mga riders at ni Jen Jen.

“Sila po yung umorder. Pakisabi diyan kay Kris Bernal tingnan yung Messenger niya. May umorder lang din sa ’kin at dalhin daw sa bahay nila,” ang sinabi ni Jen Jen.

“Ay nako, kuya, ‘di ko na kasalanan ‘yan. Kasalanan ‘yan ni Kris Bernal,” ang dagdag niya.

Kinausap din ng ina ni Kris si Jen Jen.

“Anong nakukuha mo sa panloloko? ‘Di ka naawa sa mga Grab na pinaglololoko mo,” ang sinabi ng ina.

SOURCE: Rappler

Sa caption, sinabi ni Kris na hindi biro ang halaga ng mga in-order at naging biktima rin ang mga riders sa insidente hindi lang siya.

“[They] went all the way here to deliver several orders. I really feel bad for the riders’ efforts. This thing has been prevalent lately,” ang sinulat ng aktres.

Matapos ang ilang oras, ibinahagi rin ni Kris ang isang video na nakikipag-usap ang kanyang ina sa ika-23 rider.

“Manloloko ‘yan. ‘Di namin kilala,” ang sinabi ng ina.

Sa isa pang Instagram post, iniisip ni Kris kung sino ang maaaring gumawa nito sa kanya. Wala siyang matandaang kaaway o sinaktan.

“I have no idea who did this and I can’t remember any incident that triggered this to happen. All I know is I didn’t do anything wrong to someone for me to deserve this kind of treatment,” ang sinulat ng aktres.

“I really hope that there was even a bit of sympathy to the riders. They are the main victims here. I hope the person who did this will feel a bit of conscience,” ang dagdag niya.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!