KYLIE PADILLA, NAGSALITA NA SA HIWALAYAN NILA NI ALJUR

Tuluyan nang kinumpirma ng Kapuso aktres na si Kylie Padilla ang hiwalayan nila ng kanyang asawang si Aljur Abrenica.

Matatandaang taong 2018 nang magpakasal ang dalawa. Samantalang pagpasok naman ng 2021 ay pumutok ang bali-balita na tila nagkakaroon nga ng problema ang relasyon ng dalawa.

Aljur Abrenica - Vin Abrenica Defends Brother Aljur Abrenica From Bashers  ... : His father, alfonso abrenica jr., was a musician, and his mother,  amor guiang, was a member of a band. - kendaoh
Photo Source: Kendaoh kendaoh

Itinanggi nila ito noong una at sinabing mayroon lang daw silang hindi pagkakaunawaan ngunit nito lamang nakaraang araw nang kumpirmahin ng ama ni Kylie na si Robin Padilla na tuluyan na ngang naghiwalay ang dalawa.

Ayon sa aktor, si Kylie raw ang nagdesisyong makipaghiwalay sa kanyang asawa dahil umano sa third party.

July 8, 2021 nang maglabas si Kylie ng kanyang pahayag ukol sa isyu sa 24 oras ng GMA network at dito nga niya kinumpirma na dumaan ang kanilang pamilya sa matinding pagsubok nitong nakalipas na mga buwan.

Pahayag ng aktres, “Every family goes through a lot of challenges and sometimes, we think that it is the couple that goes through the ordeal.

“We forget the kids and the people that are involved in the family.

“In the past few months, our family has gone through the process of recovering, healing, and moving on.”

Hiling ng aktres na maunawaan ng publiko, lalo na ng kanilang mga tagahanga ang naging desisyon nilang mag-asawa. Umaasa rin siya na dito na matutuldukan ang isyu para na rin sa kapakanan ng kanilang mga anak.

5 Things Kylie Padilla Does To Prepare For Motherhood
Photo Source: Pilipinas popcorn

“All we need right now is respect—first and foremost, on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family—to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl…” lahad pa ni Kylie Padilla.

Sa ngayon ay sinisikap raw nila ni Aljur na magkaroon ng maayos na pakikitungo sa isa’t isa bilang magulang ng kanilang mga anak.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!