LALAKI SA AUSTRIA, TINUKLAW NG AHAS HABANG NASA LOOB NG TOILET!

Isang lalaki ang tinuklaw ng ahas habang nakaupo siya sa inidoro ng kanilang comfort room. Nangyari ang insidente sa Graz, Austria noong Lunes (July 5).

Ayon sa pulisya, nakaramdam ang 65 taong gulang na lalaki ng kirot sa maselang bahagi ng kanyang katawan habang nakaupo sa inidoro bandang 6 a.m. Ikinasindak niya ng makita ang isang 1.6-meter (5 foot) albino reticulated python na nasa toilet bowl.

“Shortly after he sat on the toilet the Graz resident — by his own account — felt a ‘pinch’ in the area of his genitals,” ang pahayag ng kapulisan.

Ang ahas ay isang constrictor native sa Asia na kayang lumaki hanggang 9 metres (29 feet). Pinaniniwalaang nakatakas ito mula sa apartment ng kapitbahay at nakapasok sa loob ng toilet sa pamamagitan ng paglusot sa sewer system. Gayunpaman, hindi pa malinaw kung saan eksaktong duman ang ahas.

Isang reptile expert naman ang kinontak ng emergency services para alisin ang ahas mula sa toilet. Nilinis nila ito at ibinalik sa may-ari. Samantala, ginamot naman sa ospital ang biktimang lalaki matapos magtamo ng sugat na itinuturing na “minor injuries.”

Ang 24 taong gulang na may-ari ay isa raw reptile enthusiast. Bukod sa nakatakas na ahas, mayroon din siyang 10 iba pang ahas at gecko. Lahat naman ito ay walang kamandag. Ang mga pythons ay hindi makamandag na ahas, sa halip, pinapatay nila ang kanilang prey sa pamamagitan ng paglilingkis sa mga ito.

Gayunpaman, isinumbong ang may-ari sa prosecutor’s office dahil sa pagiging pabaya umano nito sa mga alagang hayop na nagresulta sa pagkagat ng ahas sa ibang tao.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!