LJ REYES, MULING PUMIRMA NG KONTRATA SA GMA

“Because wala naman akong reason to leave.”

Ito ang sagot ng Kapuso actress na si LJ Reyes nang matanong sa isang panayam kung minsan na rin ba niyang naisip na lumipat sa ibang network.

GMA Network on Twitter: "LJ Reyes (@OfficialLjReyes) participated in a yoga  class to celebrate her birthday! What a fun and unique way to celebrate!…  https://t.co/eFCQs5kauq"
Photo Source: GMA Network

June 29, 2021 nang muling pumirma ang aktres ng kontrata sa Kapuso network. Halos 17 taon na itong nagtatrabaho para sa nasabing network kaya naman hindi maiwasang matanong kung minsan ba ay gusto niya ng pagbabago sa kanyang karera.

Sa loob ng mahabang taon sa GMA, aminado ang aktres na minsanng sumasagi sa isip niya na lumipat pero hanggang doon lamang iyon. Maayos naman daw ang kalagayan niya sa GMA at nabibigyan din naman siya ng mga proyekto kaya walang dahilan para lumipat.

Aniya, “Alam mo, hindi mo masasabing hindi sumagi sa isip mo in terms of…palagi namang may magtatanong sa iyo, hindi mo ba pinaplano na lumipat ng network or what?

“Pero in my plans? Wala.”

Nasa maayos naman daw na kalagayan ang kanyang personal na buhay at karera sa industriya kaya naman hindi na siya naghahangad pa ng iba. Sapat na raw iyon sa kanya.

LJ Reyes receives Valentine's Day flowers from a woman | GMA Entertainment
Photo Source: GMA Network

Saad pa niya, “Parang sabi ko nga, wala naman yatang reason kasi. Parang tinatanong ako, bakit hindi ka lumilipat or why are you staying? Because wala naman akong reason to leave. Parang ganoon sa akin.”

Aminado rin ang aktres na may kaunting takot siyang nararamdaman ngayon dahil maraming bagong artista na lumilipat sa kanilang network. Pero kung sakali man daw na magkaroon ng problema at hindi siya mabigyan ng proyekto, alam niya sa sarili niya na gagawa siya ng ibang paaran para kumita.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!