MARTIN DEL ROSARIO, IPINAGTANGGOL ANG MGA ARTISTANG LUMILIPAT NG NETWORK

“Siyempre, kailangan din nila ng work.”

Ito ang katwiran ng Kapuso actor na si Martin Del Rosario kung bakit wala siyang nakikitang mali o masama sa paglipat ng istasyon ng ilang showbiz personality.

Martin del Rosario: 'Napapraning ako kapag may showbiz na love life' |  PUSH.COM.PH: Your ultimate showbiz hub!
Photo Source: Push.com.ph

Mula nang pumasok ang taong 2021 naging kontorbersiyal na usapin sa entertainment industry ang paglipat ng mga artista ng istasyon. Iba-iba ang reaksyon dito ng publiko dahil kalakip ng usapin na ito ay ang “loyalty” at “utang na loob” ng mga artista sa network kung saan sila nagsimula.

Isa sa paglipat na pinakapinag-usapan ay ang paglipat ng dating kapamilya at ngayo’y kapuso na na si Bea Alonzo.

Nabatikos nang husto ang aktres dahil isa siya sa big star ng ABSCBN ngunit piniling umalis habang may pagsubok na kinakaharap ang nasabing network.

Para kay Martin, wala naman siyang nakikitang isyu tungkol sa bagay na ito. Sa katunayan, masaya siya para sa mga kapwa artista na ito dahil kagaya ng maraming tao, kailangan nilang magtrabaho.

Aniya, “Honestly, happy ako for them. And welcome na welcome sila dito sa GMA.”

Martin del Rosario brushes off relentless rumors about his gender | PEP.ph
Photo source: pep.ph

May mga pamilya raw na binubuhay ang mga ito kaya naman kailangan nilang sunggaban ang bawat oportunidad na darating sa kanila lalo na ngayong may kinakaharap tayong pandemya.

“Siyempre, kailangan din nila ng work. So kung lumipat man sila sa GMA, natural lang yun para may trabaho,” paliwanag pa ng aktor.

Magandang opportunity daw ito para mas lalo nilang mahasa ang kanilang talento at ma-explore ang ibang side ng showbiz industry. Sa ngayon ay excited siyang makatrabaho ang mga bagong lipat na artista sa kanilang network lalo na si Bea Alonzo.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!