PAOLO GUMABAO, SINABING CLOSE SIYA SA KANYANG MGA KAPATID

Nagsisimula nang umingay at magkaroon ng sariling pangalan ang aktor na si Paolo Gumabao sa showbiz Industry matapos ang halos pitong taon mula nang pasukin niya ito.

Sa mga hindi pa nakakalaam, si Paolo Gumabao ay anak ng dating aktor na si Dennis Roldan at half-brother nina Marco Gumabao at Michelle Gumabao.

Photo Source: Pep.ph

masayang ibinahagi ng aktor na bagamat magkaiba sila ng nanay, hindi ito naging problema para mapalayo siya sa kanyang mga kapatid sa ama.

Hanggang ngayon daw ay close na close pa rin siya sa mga ito at maayos ang kanilang relasyon bilang magkakapatid.

Madalas daw silang magbonding kasama ang iba pa nilang kapatid na wala sa showbiz industry. Marami daw silang napagkakasunduan na bagay kaya naman click na click talaga sila.

Kwneto niya, “Well, magkaiba kasi yung closeness namin ni Marco ‘tsaka yung closeness namin ni Michelle.

“Siyempre kami ni Marco, may mga sariling bonding kami like nagba-basketball kami, nagbi-video games kami.”

Sa tuwing kailangan daw niya ng makakausap ay laging nanjan ang kanyang mga kapatid para sa kanya.

Aniya, “Si Michelle naman, ang bonding naman namin niyan mahilig kaming makipagkuwentuhan sa isa’t-isa. Kahit gabi na. Nagkukuwentuhan lang kami about life.

“So different bonding kami each na magkakapatid.”

Paolo Gumabao bares all in his first major movie 'Lockdown' – Manila  Bulletin
Photo Source: Manila Bulletin

Suportado din daw siya ng mga ito sa tinatahak niyang landas ngayon sa industriya. Bagamat parehas sila ng linya ni Marco, wala raw rivalry o kahit anumang inggitan sa kanila. Sa katunayan, ito pa nga raw ang nagbibigay sa kanya ang tips at advice pagdating sa trabaho.

Sa ngayon ay hiling niya na makalaya na ang ama nang sa ganoon ay makasama na nila ito.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!