RR ENRIQUEZ, MAY BWELTA SA MGA PUMUPUNA SA KANYANG ENGLISH

“Mapapakain ba ako ng galing ko sa English na yan?”

Ito ang buwelta ng dating TV host na si RR Enriquez sa isang basher na pumuna sa kanyang english comment sa post ng ex-girlfriend ni Scottie Thompson na si Pau Fajardo.

RR Enriquez - Age, Birthday, Biography & Facts | HowOld.co
Photo Source: Howold.co

July 14, nang ibahagi ni RR sa kanyang Instagram ang pamumuna sa kanya ng taong ito. Makikita sa nasabing post ang screenshot ng kanyang comment.

Komento ni RR,  “I must say that you handle it in a very classy way!! You are the definition of ‘The One That Got Away.’”

Ni-replyan ito ng netizen ng, “NAMOKA RR. NAWALA KALANG SA WOWOWEE, NATUTO KANA MAG ENGLISH.”

Tila hindi nagustuhan ni RR ang sinabi ng taong ito at agad na dinipensahan ang kanyang sarili. Ayon sa kanya, joke lang daw ang “tanga-tangahan” niya noon sa programa ni Willie Revillame. Ginagawa niya lang daw ito noon para makapagpatawa.

Nag-aral naman daw siya noon sa isang private school kaya kahit papaano ay natuto naman siyang mag-english. Ang mahalaga daw, yumaman siya dahil sa tanga-tangahan english niya noon.

Depensa pa niya, “If napaniwala ko kayo ok ang galing ko atleast because of that nagkaroon ako ng chance maging host and madala sa US for a show then ok lang kahit isipin nyo na bobita ako sa English.

Fashion PULIS: Insta Scoop: RR Enriquez Lectures Basher Poking Fun at Her  English Proficiency
Photo source: Instagram RR Enriquez

“And if ikakayaman ko ang pagiging bobita sa English I will do it over and over again.”

Aminado raw siya na hindi siya ganoon kagaling mag-english pero sinusubukan niya para matuto at mag-improve.

Ani RR Enriquez, “So please don’t belittle someone na hindi magaling mag English!

“And don’t make fun of someone na trying hard mag English because they want to learn and improve..”

Hindi naman daw basehan ang pagiging magaling mag-english para umasenso sa buhay. Marami raw siyang kilala na magaling mag-english pero hindi naman mayaman.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!