SUNSHINE DIZON, THANKFUL PA RIN SA DATING ASAWA

“Pero naging mabuti siyang tatay.”

Ito ang mga katagang biitawan ng newest Kapamilya actress na si Sunshine Dizon sa kanyang dating asawang si Timothy Tan.

LOOK: Sunshine Dizon writes honest post about estranged husband Timothy Tan  | GMA Entertainment
Photo Source: 24 Pilipinas

Bagamat naging kontrobesiyal at hindi naging maayos ang paghihiwalay nilang mag-asawa noon, naging maayos din naman daw kalaunan ang kanilang relasyon. Napagkasunduan daw nila ang co-parenting setup para sa kanilang mga anak at nagpapasalamat ang aktres dahil naging mabuti itong ama.

Bagamat nagkamali ito noon, nakikita naman ng aktres na talagang bumawi ito sa kanilang mga anak. Hindi raw ito naging pabaya at talagang nage-effort para magkaroon ng maayos na relasyon sa mga bata.

Paglalahag pa ng aktres, “Kumbaga sa ano, nadapa at nagkamali, hindi ko naman matatawaran si Timothy bilang tatay. Kasi he’s very hands on. ‘Yun naman ang bawi niya talaga. And ito ay ever since maliliit pa lang talaga yung mga anak ko.

“He really drives for my kids nu’ng pre-pandemic, siya naghahatid-sundo. Everything that my kids need, he’s always there,” dugtong pa niya.

Marunong daw itong magkusa at alam din nito ang mga responsibilidad niya sa kanyang mga anak kaya naman kung pagiging ama ang pag-uusapan. wala siyang masasabi kay Timothy.

Ani Sunshine Dizon, “Actually he sees his kids naman. Meron naman din siyang bahay. Pero hindi na issue yung magkikita yung anak, wala nang ganu’n. Deadma na ‘yun.

Sunshine Dizon and Timothy Tan reunite for daughter's birthday pictorial |  PEP.ph
Photo Source: Pep.ph

“Kasi basta for my kids, kumbaga ang akin is, gawin mo yung obligasyon mo sa mga bata at yung responsibilidad mo sa mga bata, hindi tayo mag-uusap. Okay na ako doon.”

Wala raw silang isyu ngayon at maayos naman ang pakikisama nila sa isa’t isa. Basta para sa kanilang mga anak ay talagang nagkakasundo sila.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!