TONI GONZAGA, HANDA RIN BANG PASUKIN ANG PULITIKA?

“Never say never, di ba?”

Ito ang makahulugang sagot ng Kapamilya actress at TV host na si Toni Gonzaga ng matanong siya sa kanyang vlog kung bukas ba siyang pumasok sa pulitika.

Ang social media influencer na si Wil Dasovich ang guest sa latest vlog ni Toni at isa nga sa napag-usapan nila ay ang tungkol sa pagpasok ng mga artista sa pulitika.

Toni Gonzaga Net Worth, Age, Height, Husband, Family, Instagram
Photo Source: Heightzone

Ayon kay Wil, napansin niya raw na karamihan sa mga artista ay pinipiling maging politician pagkatapos ng kanilang karera sa industriya. Tinanong niya ang singer-actress kung ito rin ba ang gagawin niya.

Ani Wil, “I’ve noticed, something that trends in the Philippines is later on in life, after entertainment industry is done or you’re over it, a lot of people transitioned to politics.”

Agad naman na sumagot si Toni at sinabing hindi niya isinasara ang kanyang pintuan tungkol sa bagay na ito pero ngayon ay hindi pa niya nakikita ang kanyang sarili na papasukin ang pulitika.

“I don’t see myself in politics right now or anytime soon. But I don’t wanna say, never say never, di ba?” sagot ng aktres.

“Yeah, but then, who knows what happens twenty years from now?” segunda naman ni Wil.

GONZAGA SISTERS TRENDING: Fans nina Toni at Alex, dismayado sa political  choice ng magkapatid - Pinoy Parazzi
Photo Source: Pinoy Paparazzi

Masyado pa raw maaga para magdesisyon sa bagay na iyan pero sa ngayon ay hindi raw talaga nakikita ni Toni ang kanyang sarili na magiging isang politician.

Ani Toni Gonzaga, “But in my heart right now, I don’t feel like that is something that I should be doing. That’s what I feel.”

Hindi naman imposible na magbago ang isip ng aktres dahil hindi na rin bago sa kanilang pamilya ang politika.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!