VICE GANDA, GALIT NA GALIT SA MGA NAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS

Hindi napigilan ng komedyante at TV host na si Vice Ganda na mag-react at magalit sa mga taong nasa likod ng isang artikulo na ‘di umano ay nagpapakalat daw ng fake news tungkol sa kanya.

Ayon sa nasabing artikulo sa isang gossip blogsite, tila nagpaparinig daw ang komedyante sa mga artistang umalis sa ABS-CBN at lumipat sa ibang network. partikular na pinangalanan sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa nasabing artikulo.

Masama raw ang loob ng TV host sa dalawa dahil iniwan nito ang kanilang home network na may kinakaharap na matinding pagsubok ngayon.

Mayroon daw tweet si Vice sa kanyang twitter account tungkol sa mga dating Kapamilya stars pero binura rin daw ito kaagad.

Narito ang ‘di umano’y tweet ni Vice:

“Ang kapal ng mukha ng mga taong nagsasabing nauubos na ang mga Kapamilya Artist. Kung dyan kayo Masaya, bahala kayo basta sinabi ko na dati pa, wala kayong future dyan sa Kabila. Charot!”

Galit na galit ang komedyante at tinawag pang “kadiri” ang nasabing blogsite.

Retweet ni Vice sa artikulo, “Kadiri tong FAKE NEWS na to!!!!!! Pero mas KADIRI yung mga sumakay!!!! Pero PINAKA KADIRI yung mga sumusweldo at kumikita sa FAKE NEWS!!!”

Hindi pa doon natapos ang panggagalaiti ng Kapamilya star dahil may sumunod pa itong tweet kung saan tinawag niyang paninirang puri ang ginawa ng blogsite na ito.

Ani Vice Ganda, “Mga taong sa panahon ngayon chismis, paninirang puri at fake news pa din ang trabaho YUUUUICCCCKKK!!!! Mas mababa pa kayo sa TAE! Yan ang #FACT!”

Matatandaang isa si Vice sa mga artistang vocal na nagpapahayag ng kanyang pagiging solid Kapamilya.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!