VICE GANDA, MARAMING ISINAKRIPISYO PARA SA RELASYON NILA NI ION

“Si Ion sapat na, totoo ‘yun.”

Ito ang naging pahayag ng komedyante at TV host na si Vice Ganda kaugnay sa relasyon nila ng kasintahang si Ion Perez.

Fashion PULIS: Insta Scoop: Ion Perez Shares Touching 22nd Monthsary  Message for Vice Ganda
Photo Source: Fashion Pulis

Ayon sa kanya, araw araw daw niyang ipinagpapasalamat sa Diyos na dumating si Ion sa kanyang buhay dahil kung wala ito ay baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Malaki raw ang naitutulong ni Ion sa kanya dahil isa ito sa mga pinagkukunan niya ng lakas upang magpatuloy.

Saad niya, “Anong lungkot ko ngayon kung wala akong ganitong katuwang? Anong lungkot ko ngayon na walang hahagod ng likod ko kapag umiiyak ako?

“Gaano kamiserable ang buhay ko kapag buryong na buryong ako tapos walang tititig sa akin para kumalma ako?”

Malaki raw ang naging pagbabago sa kanyang buhay mula nang dumating si Ion. Marami siyang bagay na isinakripisyo at tinalikuran para kay Ion. Ang mga nakasanayang buhay at bisyo niya noon ay nagawa niyang talikuran para kay Ion.

Lahad pa ni Vice Ganda, “Dati di ba, gabi-gabi nga rampa ako nang rampa, so tinalikuran ko ‘yun. Pati paninigarilyo ko tinalikuran ko. Pag-inom, hindi na rin ako umiinom di ba?

Kapamilya Online World sur Twitter : "LOOK: Ion Perez sweet Birthday  message for Vice Ganda ❤❤❤ #ViceIon #LoveWins Isang video message ang  sorpresa ni Ion Perez para sa kaarawan ni Vice Ganda
Photo Spurce: Kapamilya Online World

“Hindi na ako gumigimik. Si Ion sapat na, totoo ‘yun. Sapat na ako kay Ion na nagtatrabaho ako nandiyan si Ion nakikita ko siya, okay na ako, hindi na ako rarampa.”

Iniingatan at pinahahalagahan niya raw ang relasyon nilang dalawa kaya naman hindi siya papayag na may bagay na makasira dito. Masaya raw sila ngayon at kaya niyang magsakripisyo pa ulit para lang manatili itong ganito.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!