VICE GANDA, UMAMING HINDI MAAYOS ANG LAGAY NG KANYANG KALUSUGAN

“So physically I’m not okay na naman.”

Ito ang inamin ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa panayam sa kaibigan at dating manager na si Ogie Diaz.

Wazzup Pilipinas News and Events: Vice Ganda: Sinong mas straight?
Photo Source: Wazzup Pilipinas

Ayon kay Vice, hindi raw maayos ang kanyang kalusugan ngayon. May mga health problems daw siyang kinakaharap ngayon na kung minsan ay nakakaapekto na rin sa kanyang trabaho.

Nagte-taping raw siya noon nang magpaalam siya na magc-cr at habang umiihi siya ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng matinding sakit.

“Pag-ihi ko biglang nahinto. Tapos ang sakit na naiyak ako. Tapos biglang naihi na naman siya. Parang may nakabara,” kwento ni Vice.

Nagdesisyon daw siya na magpatingin na sa kanyang doctor at dito na niya nalaman na na bumalik na naman ang sakit niya sa bato at mayroon na namang namumuong crystals sa kanyang katawan.

“Nagtataka nga ako kasi maingat na ako ngayon sa mga kinakain ko, malakas na rin akong uminom ng tubig. Pero sabi ng doktor ko, may mga tao raw talagang ganu’n, mga ‘stone former’ kaya kailangang magpa-checkup nang madalas,” saad pa niya.

Isa raw ito sa mga bagay na kinatatakutan niyang mangyari dahil sobrang hirap at sakit daw talaga nito. May mga pagkakataon pa minsan na may kasamang dugo ang kanyang ihi.

Ani Vice Ganda, “So physically I’m not okay na naman. Tapos ‘yung takot na naku ayoko nang magkaroon ng sakit ulit sa bato kasi sobrang sakit nu’n. Excruciating ‘yung pain,” pahayag pa ni Vice.

Vice Ganda - Biography, Height & Life Story | Super Stars Bio
Photo Source: Super Stars Bio

“Tinatapangan ko pero may mga times na ‘di ko na kaya. Kahit sa ‘Showtime,’ sinasabi ko, ‘di ko na kaya, patulong sa mga co-host,” dagdag pa niya.

Inamin din ng komedyante na isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi pa niya naiisip na magkaroon ng sariling baby kahit marami ang nangungumbinse sa kanya.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!