WILLIE REVILLAME, ITINANGGI ANG CHISMIS NA NABUNTIS NIYA SI HIPON GIRL


“Hindi ho totoo ‘yan. Fake news ang ginagawa niyo.”

Ito ang naging pahayag ng TV host na si Willie Revillame kaugnay sa kumakalat na chismis na ‘di umano ay nabuntis niya ang co-host sa programang Wowowin na si Herlene Budol o mas kilalang Hipon Girl.

Willie Revillame to seek NBI's help finding culprit behind rumor he  impregnated 'Hipon Girl' – Manila Bulletin
Photo Source: Manila Bulletin

Mula kasi nang lumaganap ang pandemya sa bansa ay hindi na regular na napapanood si Herlene sa nasabing programa. Dito nagsimula ang mga espekulasyon na nabuntis raw ito at si Willie ang ama.

Sa isang episode ng Wowowin kamakailan lamang ay sumegway si Willie at nilinaw ang nasabing isyu. Ayon sa TV host, wala raw katotohanan ang balitang ito.

Paunang pahayag nito, “Si Hipon, natsitsismis ho, e, nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw.

“Hindi ho totoo ‘yan. Fake news ang ginagawa niyo.”

Maging ang mga isyung nag-uuganay sa kanila ng malapit na kaibigang si Kris Aquino ay nabanggit din ng TV host. May iilan na nagsasabing nagkakamabutihan daw sila at nagsasama sa isang bahay. Nauna na itong itinanggi ni Kris.

“Mahiya naman kayo. Hindi ko totoo ‘yan.

“Huwag kayong naniniwala diyan, pati mga taong nananahimik…” himutok pa ng TV host.

Willie Revillame reacts to rumors he got Hipon Girl pregnant – Manila  Bulletin
Photo Source; Manila Bulletin

Agad na tanong niya sa staff ng programa, “Papano ba ‘yan ireklamo sa NBI? Pwede, ano? Hanapin niyo nga yung Facebook [account].”

“Kaya daw nawala si Hipon, nabuntis ko. Dyusko naman, ano magiging anak namin, hipon?” dugtong pa nito.

Sa huli ay nagpaalala si Willie sa publiko na huwag basta basta maniwala sa mga nababasa online. Marami raw ngayong naglipanang fake news kaya maging maingat ang lahat.

Please don't forget to like and share our Facebook posts so you can be updated with the latest and greatest!